Nagsasagawa ng Hybrid Rice Dreby ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Sariaya,Quezon. Aabot sa 31 hectares ng sakahan ang nakatakdang pagtaniman sa ilalim ng DA rice program.
Ang Hybrid Rice Derby ay isa sa mga proyekto ng Kagawaran na naglalayong maipakita ang potensyal sa produksyon ng mga hybrid na variety ng palay at mahikayat ang mga magsasaka na tangkilikin ito.
Tutukuyinat pag-aaralan ang mga variety na mapapatunayang mabisa at angkop sa lugar na siyang irerekomenda naman sa mga magsasaka.
Anim na Seed Company ang kalahok sa aktibidad na silang pagmumulan ng 15 hybrid na variety ng palay. Ito ay ang Long Ping, Leads, SL Agritech, Syngenta, Seedworks, Ramgo, at Allied. Katuwang din dito ang limang Fertilizer Company na Bioprime, Gemini, Amo, Enviro, at Plant Catalysts.
- Ayala Land Recognized as the Best Real Estate Developer in the Philippines by Euromoney - December 6, 2024
- THANKSGIVING MADE HAPPIER AT SM - November 29, 2024
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024