San Pablo City, Laguna-Humigit kumulang 800 benepisyaryo ang tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng AICS (Assistance to Individual In crisis Situations) programa ng DSWD mula sa tulong na pondo ni House Speaker Ferdinad Martin Romualdez kay Laguna 3rd District Loreto “Amben” S. Amante na ginanap sa San Pablo Central School Gymnasium, San Pablo City noong nakaraang Biyernes ika-25 ng Agosto 2023.
Katuwang ni Congressman Amante sa pamimigay ng financial assistance ang DSWD-Laguna SWAD Team sa pangunguna ni Team Leader Ms. Erika Agcanas at Social Worker officer Ms. Susan Calaogao. Kasama rin ni Cong. Amante ang kanyang may bahay First Lady Madette Amante at Bokal Yancy Amante sa nasabing programa.
Ayon kay Cong. Amben Amante, siya ay hindi tumitigil sa kabila na ang mga mababatas ay abala dahil sa budget season ”hindi po pwede palagpasin ang pagkakataon na ito, na hindi tayo makapagpay-out dahil alam ko po na ang ilan sa ating mga kababayan ay nangangailangan ng pambili ng gamot, meron namatayan, at tulong sa kanikanilang pamilya”.
Ayon pa kay Cong. Amante, kung ang pagkukunan lamang ay sariling pondo ng mambabatas ay sadyang kulang upang itulong kung kaya siya patuloy na lumalapit sa mga senators at party list representative.
Lubos ang pasasalamat ng kongresista nasa kanyang paglapit siya ay napagbibigyan at naihahatid ang tulong sa kanyang mga kababayan lalot higit sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.
Ibinahagi ni Cong Amben, sa kanyang unang taon ng panunungkulan bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan sa mababang kapulungan ay halos lahat ng kanyang naipangako noong nakaraang halalan ay untiunti ng natutupad kagaya ng paglalapit ng kanyang tanggapan sa lahat ng sulok ng distrito.
“Meron na po tayo tanggapan sa Nagcarlan para ang mga taga Liliw, Nagcarlan, ay hindi na kailangan pumunta ng San Pablo at gayundin noong isang buwan ay binuksan na rin ang isa pang satellite office sa Calauan para ang mga taga Calauan at Victoria ay hindi na kailangan pumunta ng San Pablo para humingi ng tulong sa tanggapan ng inyong lingkod” dagdag ni Amben. (Mhadz Marasigan)
- “Mayroon gobyernong kumakalinga at nagmamahal”- Madette Amante - September 7, 2023
- Congressman Amante- serbisyo ilalapit sa tao - August 27, 2023
- Laguna MSME Summit 2023 held at Enchanted Kingdom - August 23, 2023