Sa press briefing kasunod ng unang Grand Peoples Parade para sa pagdiriwang ng “Araw ng Biñan” 2026, ibinahagi ni Mayor Angelo “Gel” Alonte ang plano para sa pagtatayo ng Biñan City College.
Matapos ang mga pangako noong kampanya sa 2025, isa sa hindi pa natutupad na proyekto ang Biñan City College, ngunit malapit na itong maging katotohanan. Ayon kay Mayor Alonte, layunin ng bagong kolehiyo na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang kabataan na hindi kayang suportahan ng kanilang mga magulang.
“Gusto ko na ang mga kabataang hindi kayang pag-aralin ng magulang ay mabigyan ng pagkakataon. Lahat ng kabataan ay makapag-aral nang libre upang matulungan ang kanilang pamilya, lalo na ang mga pamilyang indigent. May mga masisipag na bata na hindi kayang pag-aralin ng magulang, at yan po ang gusto nating matulungan,” pahayag ni Alonte.
Inaasahan na sa unang bahagi o huling quarter ng taong ito, masisimulan na ang Biñan City College dahil kasama ito sa Annual Budget 2026. Ayon sa mayor, katuwang sa proyekto ang kanilang kanilang kongresista , Cong Arman Dimaguila, kung saan nakalaan dito ang pagtatayo ng gusali at sa pamahalang panglungsod naman ang lupang pagtatayuan.
Nilinaw din ni Alonte na ang iskolarship ay hindi aalisin kahit na may mga iskolar mila sa mga pribadong paaralan, layunin ng pamahalaang panglungsod na magkaroon ang sariling kolehiyo na abot-kaya, de-kalidad, at nakatuon sa kabataan ng Biñan.

- Isang Plato, Isang Pangarap: Kuwento ng Tagumpay ni Gemma Sanchez - October 8, 2026
- 𝗣𝗡𝗣 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡; 𝟭𝟯𝟬 𝗠𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲𝘀 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 - October 8, 2026
- CAISS to keep traveler data within Philippines, Securiport assures - October 5, 2026