Lopez , Quezon- Nagkasa ng Concert for Peace ang 2nd Infantry Division (2ID), Quezon Local Government Units (LGU) kasama ang ilang stakeholders para sa temang Sundalo’t Mamamayan, Bigkis-Lahi Para sa Kapayapaan at Kaunlaran.
Nasa tatlong libo ang nakiisa sa October Peace 2023 ng 2ID na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines sa Lopez Quezon nitong October 14. Jampacked ang concert dahil sa mga performance nina Army Reserved 1LT Ronnie Liang, Lolita Carbon, Asin Band, Moymoy Palaboy Super Band, at iba pa.
Bilang Chairperson ng Peace and Order Council, binigyang diin ni Quezon Governor Doktora Helen Tan sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng Peace Concert bilang pagpapaalala at pagpapakita sa lahat na ang buong probinsya, pulis, sundalo, at lahat ng namumuno mula sa Provincial Government hanggang sa barangay ay nagkakaisa sa ngalan ng pagmamahal sa bayan at kapayapaan.
Ayon pa kay Gov.Tan, patuloy umano ang Pamahalaang Panlalawigan sa paggawa ng mga programang tutugon sa kahirapan na siyang pinakaugat ng mga problema at sigalot sa komunidad. Panawagan niya sa mga kabataan na laging maging kaisa sa pagsusulong ng kapayapaan sapagkat ang pamahalaan ay kakamping masasandalan.
Sa mensahe ni 2nd Infantry Division Commander Roberto Capulong at sinabi niyang upang makamit ang kapayapaan, kailangan ng pagkakaisa na tulad umano ng concert na nabuo sa pagbabalikatan ng mga mamamyan ,LGU at stakeholders.
Samantala, pareho ang naging pahayag nina Lopez Mayor Rachel Ubana at Buenavista Mayor Reynaldo Rosilla Jr. tungkol sa pagbibigay ng ibayong kahalagahan sa kapayapaan bilang mahalagang sangkap sa pag-unlad ng bayan.
Bukod sa 2ID, Pulis at mga Lopez Quezon nakiisa din ang mga ilang Mayor at Kongesista gaya nina 4th District Congressman Atorni Mike, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Buenavista Mayor Reynaldo Rosilla Jr., Gumaca Mayor Webster Letargo, San Andres Mayor Ralph Edward Lim, Unisan Mayor Ferdinand Adulta, Vice Mayor L.A Ruanto.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024