San Pablo City-Humigit kumulang na sa apat na daan (400) PWD ang napagkalooban ng xtern foot drop noong August 20 2023 ng AKAY NI SOL Xtern Foot Drop Awarding Season 6 na ginanap sa Palacio’s Event Place Brgy San Miguel San Pablo City.
Ang mga nagsidalo na Person with Disability (PWD) na nakapasa sa screening ay nagmula pa sa ibat- ibang distrito Laguna at sa ilang bahagi ng CALABARZON.
Saya at pag asa ang nadama ng mga nakatanggap ng xtern foot drop dahil sa pamamagitan ng device na ito ay maaring muli silang makalakad. Dito nabibigyan ng pagkakataon na ma-therapy ang paa at muling lumakas ang mga muscle at tendon hanggang sa maging normal na at makalakad muli
Isa si Dr. Eduardo Janairo dating Regional Director ng DOH CALABARZON sa naniniwala at patuloy na sumusuporta sa adhikaing ito ni former Congresswoman Sol Aragones sa ginagawang tuloy tuloy na pag tulong sa mga senior citizen ,solo parent at mga PWD.
Sa programa ng araw nayon ay ilang mga PWD ang nagpatotoo na sa kanilang kalagayan bilang may kapansanan bunga ng stroke ay karaniwan na ang kawalan ng pag-asa, malungkot at pakiramdam na walang silbi, ngunit dahil sa tulong ng AKAY NI SOL ,nagkaroon sila ng kakayanan na dating inaakay at pinagsisilbihan ngayon ay makatutulong at aakay na din sa mga tulad nila na may kapansanan.
Ang grupo ng AKAY NI SOL ay umiikot sa mga barangay upang hanapin ang mga PWD at matulungan hindi lamang wheelchair at tungkod kundi pangkabuhayan na maaring makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Ayon kay Sol Aragones mapalad sila dahil ang XTERN Foot drop ay exclusive sa AKAY NI SOL na nagmula pa sa ibang bansa at sila ay patuloy na iikot sa lahat ng dako ng Pilipinas upang tulungan ang mga may kapansanan at mapagkalooban ng device na ito.
Maging ang isang negosyante na si Capt Ian De Guzman ng San Pedro Laguna ,Vice President ng AKAY NI SOL ay nagsabi na naturuan sya ni Sol Aragones na magsilbi sa mga nangangailangan hanggang sa naging adbokasiya na niya ito bilang isang individual.
Nagpapasalamat din si Sol sa mga katuwang nyang grupo na lagi nyang kasama tulad ng Association of Filipino Orhthotics and Prosthetics na nagfifit ng mga xtern foot drop sa screening time ng mga benepisyaryo.
Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng grupo ng mga ladies ni Sol na boluntaryo na nagsisilbi nagpapakain ,nag aasikaso at umaalalay sa mga bisita at mga pasyente sa lahat ng oras para sa AKAY NI SOL at saan man lugar sila ay lagi kaagapay.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024