Excited si Glenda Dela Cruz, chief executive officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na maisabuhay at mai-apply sa kanyang kumpanya ang mga natutunan niya matapos makumpleto ang anim na araw na intensive program sa Harvard Business School.
Kamakailan ay natapos ni Dela Cruz, na mas kilala bilang Miss Glenda, ang Strategic Marketing for Driving Growth program ng prestihiyosong business school. Sa loob ng programa, hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at business leaders mula sa ibaโt ibang bansa, industriya, at professional backgrounds.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Miss Glenda na higit pa sa isang certificate ang kanyang naiuwi mula sa programa.
โHindi lang ako uuuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally, no more sleepless nights!โ
Aniya, panahon na ngayon upang makapagpahinga, makapag-recharge, at maihanda ang kanyang sarili sa paglalapat ng mga bagong kaalaman sa kanyang negosyo.
โTapos na ang cases, tapos na ang puyat. Time to rest, recharge, and get ready to bring home everything Iโve learned at Harvard Business School. Grateful to have learned alongside entrepreneurs and leaders from different countries, industries, and backgrounds.โ
Partikular niyang binigyang-diin ang kanyang excitement na maipatupad ang mga natutunan niya sa Brilliant Skin Essentials, ang kumpanyang kanyang itinatag.
โExcited nako para kay Brilliant Skin Essentials. Sa totoo lang, sa dami kong NOTES, excited na akong i-execute ang mga natutunan ko,โ ani Miss Glenda.
Para sa CEO, ang pagkumpleto sa programa ay isa ring mahalagang personal milestone. Aniya, matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School, lalo naโt hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.
โHarvard Business School, youโve been a dream come true. And I hope, this will serve as an inspiration sa mga katulad ko na hindi nakatapos ng pag-aaral. Na may pag-asa at pwede pang matuto through this kind of program,โ pahayag niya.
Kabilang sa mga tinalakay sa programa ang strategic marketing, customer behavior, business growth, pricing, competition, leadership, decision-making, at artificial intelligence.
Ayon kay Miss Glenda, isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng programa ay ang paggamit ng real-world business cases sa halip na lecture lamang.
โWhat I loved most was that we werenโt just listening to lectures. We were given real business situations and asked to think, analyze, challenge assumptions, and make decisions,โ aniya.
Mas lalo rin umanong pinagtibay ng karanasan ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng patuloy na pag-aaral, lalo na sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence.
โAnd with AI evolving so quickly, one thing became even clearer to me: business owners canโt afford to stop learning. AI is changing how we create, market, understand customers, make decisions, and scale businesses. But technology is only one part of the equation. How we think, how we lead, and how we use these tools will matter just as much,โ ani Miss Glenda.
Bukod sa business growth at innovation, nakikilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. sa pagtataguyod ng inclusivity sa workplace. Kabilang sa mahigit 1,000 nitong empleyado ang mga persons with disabilities (PWDs).
Kamakailan, pinuri ng actress at content creator na si Ivana Alawi ang naturang programa matapos bumisita sa isa sa mga production facility ng kumpanya at makasalamuha ang mga manggagawa nito.
โIsa sa mga nakakatuwa dito sa Brilliant Skinโmeron silang mga PWD. Hinahayaan talaga nila magtrabaho. Talagang part sila ng Brilliant Skin,โ ani Alawi.
Ayon kay Alawi, kasalukuyang may 11 PWD employees ang kumpanya na bahagi ng workforce at operasyon nito.
โMas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,โ dagdag niya.
Samantala, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.
Napabilang din ang kumpanya sa mga nangungunang business taxpayers sa munisipalidad, kung saan kinilala ito bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year.
- Enchanted Kingdom marks its 31st Anniversary with enhanced AGILA The EKsperience: SARIBUHAY and a night of OPM music - October 5, 2026
- Bagong housing bill, magpapalawak ng rental options para sa mahihirap - October 5, 2026
- ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ฆ๐ธ๐ถ๐ป ๐๐๐ข ๐ฒ๐ ๐ฐ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ถ-๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐๐๐๐ป๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น - October 5, 2026