Target ni gubernatorial aspirant Mike Rivera na magkaroon ng Transient Home para sa mga nagbabantay sa Batangas Medical Center , ibinahagi niya ang planong ito nang maging panauhin sa traditional flag raising ceremony ng Batangas Police Provincial Office nitong Lunes .
Sinabi ni Rivera na sa pag-iikot niya sa buong probinsiya nakita niya ang pagkakaiba-iba ng level ng bawat bayan , pinag-aralan at tinitingnan kung anong pwdeng gawin kung sakaling papalaring maging gobernador.
Nagsimula umano si Rivera na mag-mapping para pag aralan sa Batangas Medical Center, isang napakahalagang ospital para sa mga mahihirap niyang kababayan na karamihan sa mga nagiging pasyente ay mula pa sa mga liblib na lugar.
Nakakapanlumo umano at kalunos-lunos ang kalagayan ng kanyang mga kababayan, may mga tatlong nakahiga sa iisang kama, sa mga corridor ay puno ng mga pasyente, maraming ambulansyang may sakay pang pasyenteng naghihintay dahil wala pang available rooms.
“Sabi ko napakahina pala ng Health System ng buong probinsya , pumunta ho kayo sa mga district hospital makikita nyo ho ang kalunos- lunos na katatayuan ng kababayan kong mahihirap , kulang sa pasilidad , kulang sa doctor, sa gamot. Sabi ko ho kapag kami ay binigyang ng pagkakataon na maging gobernador, aayusin ko ho ang Health System ng probinsiya ng Batangas.” Paliwanag ni Rivera.
“Sa unang taon ko pa lang ho na pag upo , kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na maging gobernador, magpapagawa kaagad ako ng isang transient home para ho sa mga bantay, alam niyo ho yung mga bantay dito, nakahiga po , natutulog po sa mga upuan ,natutulog po sa mga tricycle, natutulog sa mga jeep, so yun ho yung hirap ng mga walang pera . Sabi ko kailangang mai-angat ko ang antas ng Health System ng probinsya ng Batangas, dadagdagan ho at kailangan madadagdan ho ang facility ng BATMC, kailangan ho magkaroon ng transient home ng mga kababayan ko , kailangan hong maayos ang district hospitals.” Pagbibigay diin ni Rivera.
Labing dalawa umano ang district hospital ng Batangas, kaya napupuno ang BATMC ay dahil hindi rin maayos ang mga district hospitals.
“Antayin niyo ho akong maging gobernador, aayusin ko kayo. Yun din po ang ginawa ko sa bayan ng Padre Garcia , naayos ho namin lahat inalalayan ho naming lahat ng mga tao sana ho bigyan ako ng pagkakataon na maging gobernadora.” Dagdag pa ni Rivera .
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024
- Bringing government services closer to communities: Bong Go visits island town of Tingloy, Batangas to inaugurate Super Health Center and help labor sector - July 12, 2024
- CAVITEX connector roads’ on-time completion gets fresh momentum from Presidential support - July 5, 2024