Iginiit ng Bureau of Immigration (BI) ang pangangailangan ng isang ganap na integrated at nationwide border security system na gumagamit ng artificial intelligence (AI), biometrics, at real-time data processing upang mas epektibong matukoy at mahadlangan ang mga human traffickers, terorista, at iba pang kriminal bago pa man makapasok sa bansa.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang panukalang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project ay magbibigay ng end-to-end border security system nang walang direktang gastusin sa pamahalaan.
Sinabi ni Sandoval na ang P10.74-bilyong unsolicited Public-Private Partnership (PPP) proposal ay hindi lamang nakatuon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kundi sasaklaw sa lahat ng pangunahing international gateways ng bansa.
Kabilang sa proyekto ang 11 international airports, isang international seaport sa Zamboanga, at anim na border crossing stations. Magkakaroon ang mga ito ng electronic gates, data processing systems, AI processing, at biometric capturing capabilities.
Ayon sa BI, magagamit din ang sistema sa mas epektibong pag-monitor ng mga pasahero sa pamamagitan ng data sorting at pagtatakda ng mga parameters para sa target approach sa pagtukoy ng mga indibidwal na maaaring may kinalaman sa kriminalidad.
Binanggit din ni Sandoval na may nakapaloob na four-year technology refresh cycle ang proyekto upang matiyak na gumagamit ang BI ng pinakabagong teknolohiya nang walang dagdag na pasanin sa gobyerno.
Aniya, ang financing scheme ng proyekto ay nakabatay sa user-pay system kung saan ang mga gagamit lamang ng serbisyo ang magbabayad, habang ang mga hindi gumagamit nito ay hindi maaapektuhan sa pananalapi.
Sumailalim na rin sa Swiss challenge ang proyekto, kung saan binigyan ng pagkakataon ang ibang kumpanya na magsumite ng mas mahusay o mas murang alok. Gayunman, ayon sa BI, walang ibang kumpanya ang nagsumite ng counter-offer.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng pagsusuri ng Department of Finance, Department of Justice, at Office of the Solicitor General ang panukala. Nilinaw ng BI na wala pang napipirmahang kontrata at wala pang sinisingil na anumang bayarin kaugnay ng proyekto.
Sakaling maaprubahan, sasaklawin ng CAISS ang mga paliparan sa NAIA, Clark, Davao, Mactan-Cebu, Boracay, Iloilo, Kalibo, Laoag, Bohol-Panglao, Puerto Princesa, at Zamboanga, gayundin ang Zamboanga seaport at anim na border crossing stations.
Ang sistema ay sumusunod sa mga pamantayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) para sa biometric at border security systems at magtatampok ng advanced passenger information systems, automated border control na may contactless face pass, biometric kiosks, criminal record search engines, at deception detection tools.
Binigyang-diin ng BI na nananatili pa ring proposal mula sa isang pribadong kumpanya ang CAISS at patuloy pang sumasailalim sa assessment bago pinal na pagdesisyunan ng pamahalaan.
- ๐๐, ๐๐ฆ๐๐ก๐จ๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐-๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ฅ ๐ฆ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ฌ ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ช๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ - June 18, 2026
- ๐ฆ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฏ๐ผ๐ผ๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ, ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ - June 10, 2026
- CALAX Governorโs Drive Interchange opens new opportunities for commuters and communities - June 9, 2026