Sinimulan kanina ng lokal na pamahalaan ng Biรฑan ang operasyon ng mga water pump para higupin at itulak palabas ang tubig-baha mula sa Barangay Dela Paz, na halos dalawang linggo nang nakalubog sa baha.
Ipinuwesto ang temporary pumping station sa bahagi ng Ilog Mariano sa Barangay Dela Paz. Inaasahang makatutulong ito upang mapabilis ang pagbaba ng lebel ng tubig sa lugar sa loob ng tinatayang 6 hanggang 8 oras.
Apat na water pump ang ginagamit sa operasyon. Bawat pump ay may kapasidad na mag-alis ng tinatayang 2 hanggang 3 cubic meters ng tubig kada segundo, na direktang itinutulak patungo sa Laguna de Bay.
Malaki ang inaasahang maibabawas sa lebel ng baha sa lugar gamit ang tinatawag na โTransformer.โ Gayunman, nilinaw ni Cong Arman Dimaguila na nangunga sa proyekto na ito ay pansamantala lamang na sistema habang hinihintay ang pagtatayo ng permanenteng pumping station sa lugar.
Ang konsepto ng โTransformerโ ay hango sa katulad na sistema na ginagamit sa Thailand na idinisenyo upang mabilis na mailabas ang malaking volume ng tubig mula sa mga lugar na binabaha.
Ang mga gumawa nito ay mga taga binan din .
Bagamaโt pansamantala lamang ang Mega Water Pump, umaasa ang mga residente na malaking tulong ito upang maibsan ang kasalukuyang sitwasyon ng pagbaha sa Barangay Dela Paz.
- ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ถรฑ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ช๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐๐บ๐ฝ ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ - August 27, 2026
- BI Chief defends CAISS as vital upgrade to Philippine Border Security - August 27, 2026
- Metrobank Foundation honors 10 outstanding Filipinos for 2026 - August 25, 2026