๐—š๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—•๐—ถรฑ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐˜‚๐—บ๐—ฝ ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‡

Spread this info

Sinimulan kanina ng lokal na pamahalaan ng Biรฑan ang operasyon ng mga water pump para higupin at itulak palabas ang tubig-baha mula sa Barangay Dela Paz, na halos dalawang linggo nang nakalubog sa baha.

Ipinuwesto ang temporary pumping station sa bahagi ng Ilog Mariano sa Barangay Dela Paz. Inaasahang makatutulong ito upang mapabilis ang pagbaba ng lebel ng tubig sa lugar sa loob ng tinatayang 6 hanggang 8 oras.

Apat na water pump ang ginagamit sa operasyon. Bawat pump ay may kapasidad na mag-alis ng tinatayang 2 hanggang 3 cubic meters ng tubig kada segundo, na direktang itinutulak patungo sa Laguna de Bay.

Malaki ang inaasahang maibabawas sa lebel ng baha sa lugar gamit ang tinatawag na โ€œTransformer.โ€ Gayunman, nilinaw ni Cong Arman Dimaguila na nangunga sa proyekto na ito ay pansamantala lamang na sistema habang hinihintay ang pagtatayo ng permanenteng pumping station sa lugar.

Ang konsepto ng โ€œTransformerโ€ ay hango sa katulad na sistema na ginagamit sa Thailand na idinisenyo upang mabilis na mailabas ang malaking volume ng tubig mula sa mga lugar na binabaha.

Ang mga gumawa nito ay mga taga binan din .

Bagamaโ€™t pansamantala lamang ang Mega Water Pump, umaasa ang mga residente na malaking tulong ito upang maibsan ang kasalukuyang sitwasyon ng pagbaha sa Barangay Dela Paz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *