Sa bawat pagbisita ni Senator Bong Go sa iba’t-ibang bayan sa bawat panig ng bansa , paulit-ulit niyang sinasabi na wag magpasalamat sa kanyang mga pagtulong at pagseserbisyo , bagkus siya dapat ang magpasalamat.
“Ako po ay probinsiyano lamang na binigyan ninyo ng pagkakataon at ang pwede ko pong ialay sa inyo ang aking kasipagan sa pagserserbisyo.” Mga kataga sa unang pananalita ni Go.
Kaya naman, ang mga pamahalaang bayan na binibisita niya ay nagkakasundo na gawin siyang ADOPTED SON, Dahil ramdam umano ang pagseserbisyo ni Go .
Nitong Lunes , binisita ni Go ang bayan ng Alfonso Cavite , nag-inspeksyon sa itinatayong Super Health Center, binisita din ang Evacuation Center sa bayan .
Ito ay ilan lang sa tulong na napondohan dahil kay Go, bukod pa dito ang mga guarantee letters sa mga hospital na mula sa opisina ng Senador.
Lahat ng ito ay ipinaalala ni Alfonso Mayor Randy Salamat sa kanyang mga kababayan at nagresulta ng pagiging Adopted Son ni Go .
Ilan pang mga bayan ang ginawang adopted son ang Senador dahil sa parehas na dahilan , gaya nlng ng bayan ng Amadeo , Maragondon at marami pang iba.
Bilang adopted son ng isang bayan, itinuturing na kapatid ng mga mamamayan ang isang indibidwal, malapit sa puso nila at malaki ang tiwala’t suporta.
- OFW Party List Reacts to Potential Deportation of 300,000 Undocumented Filipinos from the U.S. - November 15, 2024
- Lee Pushes for Free Vaccines for All Senior Citizens - November 15, 2024
- Maria Teresa Layron: From Humble Beginnings to Salon Success - November 15, 2024