Senador Tolentino, Nakatutok sa Deliberasyon ng Budget ng mga Ahensiya ng Gobyerno

Spread this info

Bilang Senate Majority Floor Leader ng Senado, nakatututok si Senator Francis “Tol” Tolentino sa Deliberation ng mga budget ng mga ahensiya ng gobyerno.

Sa media interview matapos itong magbigay mensahe sa mga tiga Cavite habang naghihintay Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa distribution ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and Families (PAFF) , sinabi ni Tolentino na overtime talaga sila para sa Deliberation ng budget ng mga ahensiya ng pamahalaan.

“Pag Hindi natin to inusisa ng maige, inayos, apektado ang buong Bansa, kaya tinututukan ko po yon , kahit kaunti nalang kami don sa floor.”

Sinabi din ng Senador na ang programang LITAW ay magsisimula sa susunod na taon, naglalayon itong maibsan ang suliranin ng mga pilipino sa tuwing may mahaharap sa mga sakuna gaya ng bagyo .

Ang LITAW o LIwanag, Internet, Water Assistance Welfare ay inisyatiba ng Senador ito ay susuporta pang pinansiyal sa mga maapektuhan ng sakuna. Inihalimbawa ni Tolentino ang mga ama ng tahanan na unang nasa isip ay pagkukumpuni ng mga nasira gaya ng bubong sa tuwing dadaan ang bagyo pero ang Kuryente ay walang pakialam at kung Hindi makabayad ay puputulan na Hindi kinokonsidera ang problemang kinakaharap ng mga tao matapos masalanta, ganun din ang programa para sa interne at sa Tubig. LITAW ang magbabayad para matulungan ang mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *