Nanawagan si Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ng #83 OFW Party List na muling pag-aralan ang ipinatutupad na patakaran ng MRT-3 na nagbabawal sa malalaking bagahe, isang hakbang na aniya’y lalong nagpapahirap sa mga OFW at iba pang biyaherong umaasa sa abot-kayang pampublikong transportasyon.
Ayon kay Magsino, marami sa ating mga kababayang OFW at air travelers ang sumasakay sa MRT-3 upang makaiwas sa mataas na pamasahe ng taxi o TNVS patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ngunit sa halip na gawing mas maginhawa at abot-kaya ang kanilang biyahe, tila lalo pang pinapahirapan ang mga ito sa ilalim ng naturang polisiya.
“Hindi ito simpleng usapin ng regulasyon. Dapat ay malasakit sa mananakay ang pairalin,” ani Magsino. “Sa ibang bansa, may sistema upang maisama ang malalaking bagahe sa pampublikong transportasyon. Bakit hindi natin ito maisabuhay dito?”
Hinimok din ng mambabatas ang pamunuan ng MRT-3 at mga kinauukulan na maghanap ng solusyon upang maging mas efficient at inclusive ang transportasyon—hindi lamang para sa lahat ng mananakay kundi lalo na para sa mga tinaguriang “bagong bayani” ng bansa at kanilang mga pamilya.
- CIDG Laguna nagkasa ng Entrapment Operation laban sa mga Fixer sa LTO Biñan - August 16, 2025
- Laguna Police force strengthens anti-fake news drive, enhances 911 emergency response with full support from Laguna Provincial Government - August 11, 2025
- Rediscover Cavite and earn rewards with the return of the Cavite tourism passport - August 8, 2025