Sa pagdiriwang ng ika-153rd Foundation Anniversary ng bayan ng Lobo, Batangas nitong Sept 27 dumalo si Senator Bong Go kasama si Philip Salvador para magbigay ng kaunting tulong sa mga hog raisers ng Lobo na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
Dahil kilala si Go ng mga taga Lobo na tumutulong sa kanila noon pa man ay napagdesisyunan ang Sangguniang Bayan ng Lobo na gawin Adopted Son ang Senador . Sa kasalukuyan, halos lahat ng bayan na pinupuntahan ni Go ay ginagawa itong adopted son dahil sa pagkilala sa kanya bilang kapatid , kaibigan na laging handing tumulong.
Sa media interview , sinabi ni Go sa mga local reporters na nag file siya ng bill na Magna Carta for Barangay Health Workers na kailangan umano ng mga bayaning BHW.
“Dahil naniniwala po ako ba dapat bigyan ng maayos na compensation ang ating mga Barangay Health Workers , sila po ang hero sa panahon ng pandemya.”
Naglalayon ang bill na ito na mabigyan ng nararapat na incentives ang mga BHW , kabilang ang pagbibigay ng honorarium monthly at ang one time incentive sa mga nag serbisyo atleast 15 years , may mga free legal services din at insurance coverage mula sa GSIS ang napapaloob sa bill.
- From Friendship to Love: The Key to a Successful Business Partnership - December 15, 2024
- APRI, PSALM Conduct IEC Campaign on Tiwi Geothermal Facility Land Lease Agreement - December 15, 2024
- RESIBO NG PAG-ASENSO: Pagsanjan Laguna Itinaas sa 2nd Class Municipality - December 14, 2024