Pinangunahan ni Congresswoman Marissa del Mar Magsino ang groundbreaking ceremony para sa itatayong OFW Convention and Tourism Center sa Barangay Berinayan, Laurel, Batangas, na ginanap ngayong araw sa may Nuuk Taal Lake.

Ayon sa kongresista, malaki ang magiging ambag ng proyektong ito sa paglikha ng mga trabaho at sa pagpapalago ng turismo sa bayan ng Laurel at sa buong lalawigan ng Batangas. Inaasahang makatutulong ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers, na siyang pangunahing inspirasyon sa likod ng proyekto.
Itatayo ang makabagong pasilidad sa loob ng 7,000 square meters na lupang idinonate ni Magsino . Magsisilbi itong venue para sa malakihang pagtitipon ng mga OFW at seafarers, gayundin bilang pasilidad para sa mga aktibidad na makatutulong sa kanilang kapakanan.
Target na matapos ang OFW Convention and Tourism Center sa taong 2027.

- Mapúa’s bold step toward transforming hospitality and tourism education - October 17, 2025
- Flood Control scandal being politicized to discredit QC Lawmakers — Anti-Graft Group - October 12, 2025
- Enchanted Kingdom at 30: Where Magic Meets Life Through the “Saribuhay” Agila Experience - October 5, 2025