Sa isinagawang survey para sa top performing Mayor’s ng Laguna , nasungkit ni first termer Pagsanjan Mayor Cesar Areza ang ikaapat na pwesto na nagpapakita ng husay at dedikasyon sa kanyang trabaho.
Sa independent at non-commission survey ng Hypothesis Philippines na isang research and strategy firm na nakabase sa Pasig City, inalam nila mula sa 10,000 respondents na pawang mga rehistradong botante at residente ng Laguna, na nasa edad na 18 hanggang 70 ang pumulso para mga Mayor ng Laguna.
Ang sampling ay mayroong margin of error ay +1/-1 percent na may antas na 95% na antas ng kumpiyansa at ang cover ng survey ay mula June 18 – July 8, 2023.
Nanguna si Mayor Arlene Arcillas ng Santa Rosa na nakakuha ng 95.1%, pumangalawa naman si Mayor Art Joseph Francis Mercado ng San Pedro na nakakuha ng 94.9% at pumangatlo si Mayor Walfredo Dimaguila, Jr. ng Biñan na nakakuha ng 94.5% at si Areza ay nakakuha ng 92.6%.
Dahil dito , muling umugong sa social media ang improvement ng Pagsanjan ng maupo si Areza bilang alkalde, kaya naman umano napabilang ito sa top 10 performing Mayor’s.
Kapansin-pansin umano na nakahanay si Areza sa mga Mayor ng mga malalaki at mayayamang siyudad gaya ng San Pedro, Binan at Sta.Rosa.
Ang Pagsanjan ay nasa 4th district ng Laguna at maliit lang ang pondo, pero sa kabila nito ay maugong at sadyang gumawa ng ingay lalo na pagdating sa pagpapaunlad ng turismo at pagpapalakas ng mga negosyo.
Samantala, napabilang naman sa Top 5 si San Pablo City Mayor Vicente Amante na may 91.4%, Top 6 si Sta Cruz Mayor Egay San Luiz na may 91 %, Top 7 naman si Pakil Mayor Vince Soriano na may 90.2 % nasa Top 8 si Calamba City Mayor Roseller Rizal na may 87.3% , Nagcarlan Mayor Elmor Vita ang Top 9 na may 86.7% at Top 10 si Cabuyao City Mayor Dennis Hain na nakakuha ng 85.5%.
Ang Mayoralty Survey na ito ay bahagi ng “PULSO NG BAYAN” na ang mga respondent ng survey ay random na pinili at ang bilang ng tumugon sa bawat lungsod ay ibinahagi ng patas batay sa datos ng populasyon sa pagboto,
- Mary Jane Veloso Celebrates 40th Birthday with Support from OFW Party List and Advocates - January 11, 2025
- Rep. Magsino – Upholding Justice and Safety for Our Modern-Day Heroes - January 8, 2025
- CARD MRI Honors Exceptional Entrepreneurs at the Pagkilala sa Mga Likha ni Inay Awards 2024 - January 2, 2025