Matapos ang presentasyon ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) patungkol sa MASAGANA Rice Program noong ika-6 ng Setyembre sa Provincial Capitol Building, Trece Martires
Cavite, maglalatag ang mga lokal na pamahalaan ng probinsya ng Cavite ng limang taong (2023- 2028) plano para sa produksyon ng palay sa ilalim ng nabanggit na programa.
Ang MASAGANA Rice Program ay ang mas pinalakas ng programa sa pagpapalayan na susuporta sa produksyon ng palay. Ito ay may apat na bahagi:
Una, MA – matatag na kakayahan ng mga magsasaka laban sa nagbabagong klima.
Ikalawa, SA – sama-samang mga magsasaka sa isang cluster tungo sa tipid na gastos at mataas na produksyon.
Ikatlo, – GA – ganadong mga magsasaka sa pagtatanim at pagnenegosyo.
At ikaapat, NA – napapanahong diskarte sa palayan sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng programang ito at sa tulong na din ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, inaasahan na mas magiging malawak ang kaalaman ng mga magpapalay sa mga makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng mga pagsasanay at modernong kagamitan.
Magkakaroon ng pagbubuklod ang mga magsasaka upang mas maraming grupo ang makikinabang sa ipapamigay na makinarya at kagamitan sa pamamagitan ng clustering. Makakatanggap din ng mas maraming interbensyon at tulong sa panahon ng taniman tulad ng suporta sa irigasyon at angkop na abono at iba pa.
Sa tulong ng naturang programa ay inaasahan mapapataas ang produksyon at magkaroon ng self- sufficiency ng palay ang bansa pagdating ng taong 2028.
Ayon kay Cavite Provincial Administrator Alvin Mojica, kinakailangan nila ng isang mabisang plano kung paano magiging self-sufficient sa palay ang kanilang probinsya. Aniya, ang magandang plano na ito ang tutulong sa kanila upang hindi na umasa sa mga imported na bigas at nang sa gayon ay matulungan din ang mga magsasaka sa probinsya.
Kamakailan ay nagkaroon din ng katulad na presentasyon sa probinsya ng Batangas noong ika-1 ng Agosto sa Mataas na Kahoy, Batangas.
- Senator Bong Go Shows Compassion at Malvar Event, Helps Young Vendor in Need - November 22, 2024
- “Christmas in Calamba: A Celebration of Hope, Unity - November 21, 2024
- Calamba City Conducts Gender Sensitivity Training for Media Practitioners and Stakeholders - November 20, 2024