
Kahit na kilala bilang isang maunlad na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON (Region 4A), tumaas pa rin ang bilang ng mga pamilyang nabubuhay sa kahirapan sa Batangas.
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 2025, nadagdagan ng 7,200 ang bilang ng mga pamilyang mahihirap sa Batangas, mula sa 32,300 noong 2021 hanggang 39,500 noong 2023.
Tumaas din ang poverty incidence rate ng Batangas mula 4.3 porsyento noong 2021, naging 4.9 porsyento noong 2023.
Kung ikukumpara sa ibang lalawigan sa rehiyon, bumaba ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa Cavite, Laguna, at Quezon.
Tumaas din ang tinatawag na subsistence incidence o ang mga pamilyang hindi kayang tustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain. Mula 1.0 porsyento noong 2021, umakyat ito sa 1.4 porsyento noong 2023, na pangalawang pinakamataas sa rehiyon.
Sa usapin ng poverty threshold, kailangan ng isang pamilya sa Batangas na kumita ng P15,457 kada buwan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pagkain at iba pang gastusin. Mas mataas ito kumpara sa P12,845 noong 2021.
- Bilang ng mga pamilyang mahihirap sa Batangas, tumaas - February 17, 2025
- Pagtaas ng Suweldo at Pondo para sa mga Guro, Isusulong ni Bam Aquino - February 17, 2025
- LTO: Imbestigahan ang Motorcade ng Angkas na Nagdulot ng Abala sa Trapiko sa Rizal - February 7, 2025