google78feaf06d1095058.html

Bam Aquino kinilala bilang most favorable Senator ng 2025

Spread this info

Mula sa simula ng kanyang matagumpay na pagbabalik sa Senado, agad na nagtrabaho si Senador Bam Aquino at hinarap ang mahahalagang isyu tulad ng edukasyon at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.

Napansin ng publiko ang mga pagsisikap na ito ni Aquino, dahilan upang siya’y kilalanin bilang most favorable senator sa Pahayag 2025 End-of-Year (PEOY-2025) survey ng Publicus Asia.

Nakakuha siya ng 54-porsiyentong net favorable rating sa nationwide poll na nilahukan ng 1,500 rehistradong botanteng Pilipino at ginawa mula Disyembre 7 hanggang 10, 2025.

Sumunod kay Aquino sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan (47 porsiyento), Senadora Risa Hontiveros (46 porsiyento), Senador Bong Go (42 porsiyento), at Senador Rodante Marcoleta (38 porsiyento).

Ang PEOY-2025 survey ay isang independent, non-commissioned, at nationwide purposive sampling survey, kung saan ang mga respondent ay random na pinili mula sa market research panel ng US-based na PureSpectrum.

Ang Publicus Asia ang tanging survey firm na tama ang naging prediksyon sa ikalawang puwesto ni Aquino sa 2025 senatorial elections.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Basic Education, aktibong isinusulong ni Aquino ang mga kongkretong reporma kung saan sentro ang edukasyon sa kanyang legislative agenda.

Inaasahang maaaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong buwan ang Senate Bill No. 1482 ni Aquino, na mas kilala bilang Classroom-Building Acceleration Program (CAP), na naglalayong tugunan ang napakalaking 165,000-classroom backlog.

Sa ilalim ng panukalang batas, papayagan ang mga LGU at NGO na may napatunayang track record na magtayo ng mga silid-aralan gamit ang pondo ng pambansang pamahalaan, alinsunod sa mga pamantayan at alituntunin ng Department of Education (DepEd).

Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya para sa transparency at accountability sa gitna ng malawakang flood control scandal, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act ni Aquino, na kilala rin bilang Blockchain the Budget Bill, sa 17-0 boto, kung saan walang tumutol at walang nag-abstain.

Para kay Aquino, napakahalaga ng mga repormang ito sa gitna ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng bansa.

“All of these measures, napakahalaga. Nagkakagulo ang bansa. Let’s focus on this. Ito iyong bigyan natin ng pansin,” giit niya.

Bukod dito, naisakatuparan na ang karamihan sa mga pangako ni Aquino noong kampanya, kabilang ang paglalaan ng P1.38 trilyon para sa edukasyon—ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng bansa.

Kabilang sa budget ang P67 bilyon para sa implementasyon ng Republic Act No. 10931 o ang Free College Law na kanyang inakda, P68 bilyon para sa classroom construction, at P25.6 bilyon para sa School-Based Feeding Program.

Inaprubahan din ng bicameral conference committee ang panukala ni Aquino na magdagdag ng P500 milyon sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Higher Education Development Program, na partikular na inilaan para sa Financial Support for RLE Requirements sa Allied Health Sciences Programs.

Kabilang sa allied health sciences programs ang Nursing, Medical Technology/Medical Laboratory Science, Pharmacy, Physical Therapy, Occupational Therapy, Respiratory Therapy, Radiologic Technology, Midwifery, Nutrition and Dietetics, Speech-Language Pathology, Human Biology/Pre-Med Allied Programs, Dentistry, Biochemistry, at Psychology. Gawing pang social media caption

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *