60 MSMEs sa CALABARZON, itinampok sa CoconutPhilippines–KALAKAL 2026

Spread this info

Mas inilalapit sa mas malawak na merkado ang produkto ng 60 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa CALABARZON sa pamamagitan ng CoconutPhilippines featuring KALAKAL CALABARZON 2026, na ginaganap sa Festival Mall Alabang mula Agosto 17 hanggang 23.

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry–Laguna Provincial Office (DTI Laguna) ang pitong-araw na regional trade fair na nagtipon sa mga MSME mula Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Hindi lamang pagbebenta ang layunin ng trade fair. Naging daan din ito para makilala ng mga mamimili, institutional buyers, distributors, retailers, exporters at iba pang business partners ang mga produktong likha ng mga lokal na negosyante.

Tampok sa exhibit ang iba’t ibang coconut-based at locally developed products, kabilang ang pagkain at inumin, health and wellness, personal care, handicrafts, fashion at lifestyle products.

Bahagi rin ng aktibidad ang Renewal of Commitment and Support for the Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), kung saan muling pinagtibay ng Regional Inter-Agency Technical Committee (RIATC) ang suporta nito sa mga coconut farmer at sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog.

Itinatampok din ang mga produkto sa ilalim ng One Town, One Product (OTOP) ng Laguna, na nagpapakita ng talento, kultura, craftsmanship at paggamit ng lokal na materyales ng mga komunidad sa lalawigan.

Para sa mga MSME, ang ganitong uri ng trade fair ay higit pa sa isang selling event—isa itong pagkakataon upang makahanap ng bagong merkado, makabuo ng partnerships at mapalago ang kanilang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *