
Mula sa dating kakulangan sa classroom, ngayon ay may mas malawak at modernong pasilidad na ang Marinig National High School sa Cabuyao City.
Pormal nang pinasinayaan ang Cabuyao Integrated Learning Facility, isang moderno at malawak na gusaling idinisenyo upang magbigay ng mas maayos, ligtas at komportableng learning environment para sa mga mag-aaral.
Itinuturing itong isa sa mga makabagong public school buildings sa Laguna at bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng I.H.E.L.P. Program, partikular sa sektor ng edukasyon.
Ayon kay Cabuyao City Mayor Dennis โDenaโ Hain, sa ilalim ng Bagong Cabuyao, hindi lamang mga gusali ang itinatayo ng lungsod kundi mga pasilidad na magsisilbing pundasyon ng mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
Sa bagong learning facility, mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng mas maayos na lugar upang matuto, mangarap at maghanda para sa kanilang kinabukasan.


- ๐จ๐ก๐๐ค๐๐ข, ๐๐ฎ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐๐ฟ๐ป ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ๐ ๐๐ผ ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น - November 14, 2026
- MySSS card, contribution records to be accessible via eGovPH - November 14, 2026
- Cavite Medical Center enters new chapter under CARD MRI management - November 14, 2026