Matapos niyang manguna sa PAHAYAG 2025 End-of-Year (PEOY-2025) survey, napanatili ni Aquino ang matibay na suporta ng publiko sa pinakabagong survey, kung saan nakakuha siya ng 59% net favorable rating. Sa bilang na ito, 30% ng mga respondent ang nagsabing โvery favorableโ ang kanilang pananaw sa kanya.
Mas mataas ito kumpara sa 54% net favorable rating na nakuha niya sa PEOY-2025 survey.
Pumangalawa at pumangatlo naman sina Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, na kapwa nagtala ng tig-50% net favorable rating.
Kumpleto ang Top 10 sa mga sumunod na senador: Rodante Marcoleta, Bong Go, Raffy Tulfo, Ping Lacson, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, at Bato Dela Rosa.
Isinagawa ang PAHAYAG First Quarter survey sa buong bansa mula Marso 21 hanggang 24, na may kabuuang 1,509 rehistradong botante. Ginamit dito ang purposive sampling, at ang mga respondent ay pinili mula sa market research panel ng PureSpectrum, isang kumpanyang nakabase sa Estados Unidos na may operasyon sa ibaโt ibang bansa, kabilang ang regional office sa Singapore.
Ayon sa Publicus Asia, sila lamang ang survey firm na tama ang naging prediksyon na sina Go at Aquino ang mangunguna sa unang at ikalawang puwesto sa 2025 senatorial elections.
- ๐ฅ๐ฒ๐บ๐๐น๐น๐ฎ, ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ฃ๐ฃ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐บ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ ๐ด๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ถ๐ป๐ณ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ - August 22, 2026
- CARD RBI recognized as outstanding Rural Bank at LANDBANK Gawad TANYAG Awards - August 19, 2026
- 60 MSMEs sa CALABARZON, itinampok sa CoconutPhilippinesโKALAKAL 2026 - August 19, 2026