Aktibong iniimbestigahan ngayon ng Laguna Police Provincial Office ang isang bomb threat na kumakalat sa social media sa bayan ng Santa Cruz.
Ayon kay Laguna Provincial Director Col. Ricardo Dalmacia, agad na ipinakalat ang K9 Explosive Ordnance Disposal (EOD) unit upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga pampublikong tanggapan at mga paaralan sa lugar. Bahagi ito ng kanilang mga hakbang pangkaligtasan habang isinasailalim pa sa beripikasyon ang naturang banta.

Sa kabila ng hindi pa napapatunayang lehitimo ang naturang banta, tiniyak ng mga otoridad na patuloy ang kanilang pagbabantay at pagtugon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Samantala, naglabas din ng matinding babala si Governor-elect Sol Aragones sa mga nasa likod ng bomb threat. Ayon sa kanya, tinutunton na ng mga otoridad ang pinagmulan ng mensaheng kumalat sa social media at mga chat groups at sisiguruhing mananagot.
Dagdag pa niya, hindi papayagan ng pamahalaan ang anumang tangka na lumikha ng kaguluhan lalo na sa panahon ng mapayapang transisyon at pagsisimula ng kanyang panunungkulan para sa pagseserbisyo publiko.
Tiniyak din ng mga awtoridad na nananatiling mahigpit ang seguridad sa buong lalawigan habang patuloy ang kanilang koordinasyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.
Hinihikayat ang mga mamamayan na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na source at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad.
- Biñan City earns highest COA audit rating for 2024 - June 23, 2025
- Calamba City leaders pay tribute to young Jose Rizal statue - June 19, 2025
- Camella launches four new residential communities in Cavite and Batangas - June 19, 2025