𝐒𝐨𝐥 𝐀𝐫𝐚𝐠𝐨𝐧𝐞𝐬, 𝐍𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚-𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚

Spread this info

Patuloy na tinatamasa ni Sol Aragones ang tiwala ng mga Lagunense, ayon sa pinakabagong mga survey na nagpapakita na mas pinipili siya ng mamamayan bilang gobernador ng Laguna.

Bagama’t wala sa kasalukuyang posisyon sa pamahalaan, patuloy na nararamdaman ang kanyang serbisyo publiko sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Ang dedikasyon ni Aragones sa pagtulong sa mga mamamayan, kahit walang opisyal na pwesto, ay naging isang mahalagang salik kung bakit nananatiling 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒂𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒐 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂.

Sa apat na kandidato para sa gubernatorial race, 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒖𝒌𝒖𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌 𝒏𝒂 𝒑𝒐𝒔𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏. Gayunpaman, pinupuri siya ng mga Lagunense dahil sa kanyang kakayahan at malasakit sa mga kababayan.

Isang residente ng Cabuyao, Laguna, ang nagsabing, “Si Sol lang ang consistent na nararamdaman namin ang tulong. Kahit wala siya sa pwesto, ang dami niyang nagawa.”

Sa nalalapit na halalan, malinaw na ang 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 ni Sol Aragones ay nagbibigay ng matibay na pundasyon ng tiwala mula sa mga mamamayan ng Laguna, na siya ang mas pinipili upang mamuno sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *