Nilinaw ng Social Security System (SSS) ang ulat na inuugnay ang ahensya sa mataas na bilang ng reklamo kaugnay ng red tape. Ayon sa SSS, lahat ng 244 kaso na iniulat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) mula Enero hanggang Agosto 2025 ay ganap nang nalutas, katumbas ng 99.3% resolution rate.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph Montes de Claro, higit 474,000 ARTA-related emails din ang kanilang natanggap at naproseso, lahat alinsunod sa itinakdang service standards.
Karamihan sa reklamo ay may kinalaman sa service delivery, loan applications, at mga usapin sa contributions. Binigyang-diin ng SSS na may mga ipinatupad na silang pagpapabuti, lalo na sa proseso ng calamity at salary loan.
Pinalalakas din ng ahensya ang kanilang reforms at digital innovations upang mabawasan ang pagkaantala at mapabuti ang karanasan ng kanilang mga miyembro.
“Pinangangalagaan namin ang transparency at accountability sa lahat ng aming operasyon. Ang pakikipagtulungan namin sa ARTA ay lalong nagpapalakas sa aming layuning mapaayos ang proseso at magbigay ng episyente at maasahang serbisyo,” ayon kay de Claro.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag ang mga miyembro sa hotline 1455, mag-email sa usssapatayo@sss.gov.ph, o bumisita sa pinakamalapit na SSS branch.
- BPI foundation partners with Mapúa MCL to expand access to financial education - January 27, 2026
- Escudero urges National Gov’t to Fast-Track DPWH–DepEd–DA tripartite agreement - January 25, 2026
- Escudero pushes broader protection and benefits for power sector workers - January 23, 2026