google78feaf06d1095058.html

Laguna Capitol Press Corps itinatag

Spread this info

Ang Laguna Capitol Press Corps ay itinatag ngayong Hulyo 2025 sa inspirasyon ng Gobyernong may Solusyon na nasa ilalim ng pamumuno ni Gobernadora Sol Aragones .

Layunin ng bawat mamamahayag na mula sa telebisyon,radyo, pahayagan at ang makabagong pagbabalita sa pamamagitan ng internet ay maihatid sa mga Lagunense ang mapagkakatiwalaan at may kredibilidad na impormasyon mula sa kapitolyo patungo sa mga tao, at sa kabaligtaran, maipaabot sa kapitolyo ang mga hinaing, kahilingan at opinyon ng mamamayan upang ma-solusyunan.

Ang Logo ng Laguna Capitol Press Corps ay sumusimbolo sa;

Kahulugan ng Bilog sa Logo Design:

  • Nagpapakita ito ng pagkakaisa ng mga mamamahayag para sa layunin ng katotohanan at serbisyo.
  • Simbolo ng walang tigil na paghahatid ng impormasyon – walang simula’t wakas.
  • Nagpapahiwatig ng pagiging inclusive – bawat miyembro ay mahalaga.

Ang kulay maroon ay isang malalim na pulang kulay na may bahid ng kayumanggi o ube

  • Pagsusulong ng marangal at may prinsipyo na pamamahayag
  • Pagiging matatag sa gitna ng hamon ng katotohanan
  • Paggalang sa propesyon at integridad ng media
  • Pagkakakilanlan sa isang organisasyong may lalim at dignidad.
  • Ang larawan ng Kapitolyo ng Laguna sa logo ng Laguna Capitol Press Corps ay sumasagisag sa paninindigan ng mga mamamahayag na ihatid ang tama, tapat, at makabuluhang impormasyon ukol sa pamahalaang panlalawigan at sa mga mamamayan ng Laguna.
  • Ang larawan ng TV, radyo, pahayagan, at cellphone sa logo ng Laguna Capitol Press Corps ay nagsisilbing pagsasalarawan ng ebolusyon ng pamamahayag — mula sa tradisyonal hanggang sa makabagong panahon.
  • Ang TV, Radyo, at Pahayagan ay sumisimbolo sa midyang naging pangunahing daluyan ng impormasyon sa mga nagdaang dekada.
  • Sa kasalukuyan, ang internet at mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone at laptop ang nagsisilbing bagong plataporma ng pagbabalita. Lahat ng elementong ito ay nagpapakita ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon na ginagamit ng mga mamamahayag upang maihatid sa publiko ang mahalaga, totoo, at napapanahong impormasyon para sa mas maayos at mas mulat na pamumuhay.

Ang mga letrang SB 19 ay sumisimbolo sa labing siyam na mamamahayag na nagtatag ng Laguna Capitol Press Corps sa ilalim ng patnubay ni Laguna Public Information Officer Danny Lucas at Nelson Bautista.

Ang tinaguriang SB 19 na ito ay nanatiling matatag sa kanilang paniniwala at paninindigan habang katuwang ang Gobyernong may Solusyon sa patuloy na paglaban para sa kapakanan ng bawat Lagunense. SOL’s Barkada 19 katuwang  ng Gobyernong may SOLusyon.

Sa kasalukuyang ang mga opisyal at miyembro ng LCPC ay ;

Interim President Noel Alamar DZMM Teleradyo

VP for Broadcast Arman Cambe DWIZ

VP Social Media Robert Maico GMA/Southpost Ph

VP Print Roy Tomandao MANILA STANDARD

Treasurer Abner Dionglay

Secretary Mads Marasigan RAPIDS JOURNAL

Chairman of the board Turing Crisostomo MORNING CHRONICLE

BOARD OF DIRECTORS

Roselle Aquino The Manila Times

Kevin Pamatmat LIGHT TV

Zen Trinidad PNA

Gil Aman PEOPLES JOURNAL

MEMBERS

Kaye Balba Newsroom Pilipinas

Tala Candaza CALABARZON NEWS TODAY

Cyril Quilo INSIDER NEWS PH

Jackie Palima RADYO BINAN

Wilson Palima NSTV

Manny Crisostomo Free Times Journal

Lyn Domingo Balitang Parehas GANDANG LYN

Shekinah Joy Esteban Balita Ngayon

Pau Mojar – Headlines News

Ang Laguna Capitol Press Corps ay kauna-unahan sa kasaysayan ng industriya ng pamamahayag sa lalawigan ng Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *