Nagdaos ng isang mahalagang pulong ang mga opisyales ng Quezon Federated Parent-Teacher Association (QFPTA) kay Quezon Division Superintendent Dr. Rommel Bautista, CESO V, kasama si Sir Paul Clifford Marquez, Senior Education Program Specialist, upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa ikabubuti ng mga paaralan sa lalawigan. Ang nasabing pulong ay ginanap noong Lunes, Pebrero 3, 2025.
Pinangunahan nina Quezon Chairperson Ranel Tabipo Encanto, Vice Chairperson JR Narit, at Treasurer Tanoy C. Ilagan, kasama ang mga board of directors ng QFPTA, ang paglalatag ng mga mahahalagang proyekto at programa para sa kapakanan ng bawat paaralan sa buong probinsya.
Isa sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ay ang pagtalakay sa mga plano ng samahan, kabilang na ang pagpaplano ng isang Parent Convention bago magtapos ang school year, pati na rin ang mga fundraising activities na nangangailangan ng pahintulot mula sa rehiyon at division upang maisakatuparan ang mga proyekto ng samahan.
Dumalo rin sa pulong ang mga presidente ng mga lokal na PTA mula sa mga bayan ng Tiaong, Unisan, Mauban, Lucban, Real, Padre Burgos, Plaridel, Dolores, at Atimonan, na bahagi ng Board of Directors.
Nagpasalamat ang mga opisyales ng QFPTA kay Superintendent Bautista dahil sa pagkakataong makaharap siya bago matapos ang termino ng bawat isa. Umaasa ang QFPTA na matutugunan ang kanilang mga kahilingan at mas lalo pang mapapalakas ang ugnayan sa bawat larangan ng edukasyon sa Quezon.
- Patuloy ang Pagtutulungan ng QFPTA at DepEd Quezon sa Pagpapaunlad ng mga Paaralan - February 3, 2025
- INFANTA Vice Mayor inihayag ang pagkakaroon ng Cold Storage Facility sa REINA-POGI Area - March 24, 2024
- 13,000 residente ng Polilio group of islands, nakinabang sa Quezon LGU Medical Mission - March 22, 2024