Senaryo nga ba ang “Bomb Treat ” sa San Pedro City? Walang bomba pero may pondo ?
San Pedro ano na?
Nabulabog ang lungsod ng San Pedro kamakailan at naging dahilan sa pagkansela ng mga pasok sa ilang paaralan dito dahil sa bomb threat.
Mabilis nag-inspeksyun ang mga pulis para kumpirmahin pero wala namang nakitang banta ng bomba .
Pero nagtataka ang netizens, matapos pumutok online ang bomb threat , pumutok din online ang 14 milyong halaga ng intelligence fund ng local government at ilalaan umano para sa insidenteng ito , ito ay naglabasan umano sa social media. Totoo ba ito ? Tanong ng madla .
Zarzuela ba ito ? para may lumabas na pondo? Majority ng mamamayan ang na-curious ayon sa source.
Alam ba ito ni Mayor Art Mercado? ito ba ay senaryo o trip trip lang ng mga kabataan na nag nanais manggulo?
Ayon pa sa source , Totoo man o hindi karapatan nilang malaman kung may 14 milyon ngang inilabas para sa Fake Bomb Threat.
Karapatan umano nilang malaman kung ang mga pagpapalabas ng pondo ay para sa kapakanan ng bayan o kapakanan ng iilan.
Matatandaan na sunod-sunod sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang may fake bomb threat , kaya ang mga tao umano ay nagtatanong sa senaryong ito.
Sinisikap na makuha ang panig ng San Pedro City LGU , kung may katotohanan nga ba ang pagpapalabas ng pondo .
- “Christmas in Calamba: A Celebration of Hope, Unity - November 21, 2024
- MPT South Joins LRMC in Plant for Life Initiative at Ipo Watershed - October 16, 2024
- CARD, Inc. and ASKI-SKI Forge Scholarship Partnership to Support Local Students - August 16, 2024